Tula tungkol sa pagbibinata at pagdadalaga
Noong ako ay bata pa
Akala ko ang pagiging bata ay sapat na
Laro dito, laro doon
Sa kaligayahan ako ay laging nakatuon
Ngunit nagbago ang lahat
At akala ko, karanasan ko ay sapat
Upang maintindihan ang mga naganap
Lahat ay naiba sa isang iglap
Ako ay naging dalaga na
At sila man din ay binata na
Dating habulan ay naging ligawan
Dating tuksuhan ay tuluyang naging seryosohan
Laro ay biglang naglaho
At sa mas malaking responsibilidad, atensyon ay napako
Bahagi ng pagbabago ng aming mga gusto
Ay ang paglisan namin sa paglalaro