Ang parabulang "Mensahe ng Butil ng Kape ay isang mabisang representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap. Ang butil ng kape ay ang pagiging matatag sa oras ng pagsubok, higit sa lahat ang pagiging malaking bahagi ng pagpapabago sa mga pangyayari sa paligid. Tulad ng pagwawangis ng butil ng kape sa parabula na nakapagpabago sa kumukulong tubig at kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig.