Ang 'diskriminasyon' ay ang paraan ng pagtrato sa isang tao o sa isang partikular na grupo ng mga indibidwal lalo na sa masama o mas masahol na paraan dahil sa kanilang itsura, kulay ng balat, paniniwala, kasarian , sekswalidad at iba pa.
Ang diskriminasyon ay may negatibong epekto sa pagkatao ng isang taong nakaranas nito. Halimbawa nito ay ang kawalan ng tiwala sa sarili, pagka-inggit, pagkakaroon ng negatibong pananaw sa buhay at ang pinaka-malala pa dito ay maging pagtapos ng sariling buhay.