Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

ano ang mensahe ng parabulang ang tusong katiwala


Sagot :

Answer:

Mensahe ng parabula

Ang pangunahing layunin ng parabula ay sabihin sa tao na kailangan niyang maging mapanuri sa kanyang paglilingkuran sa mundong ibabaw. Hindi maaari na paglingkuran niya ang pera at ang Panginoon nang sabay. Sa mundong ibabaw, dapat nating piliing paglingkuran ang mas nakatataas at ang may likha sa atin.

Bilang karagdagan, ito ay tumatalakay rin sa tema ng pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa atin. Sa oras na mawala ito ay mahirap na itong maibalik pa. Isipin mo na lang na ang tiwala ay gaya ng isang baso na babasagin - kapag nabasag ay mahirap nang buuhin.

Ang Tusong Katiwala

Nagmula ang parabulang "Ang Tusong Katiwala" mula sa mga maiksing kwento sa Bibliya. Ang akda ay naglalayong turuan ang mga tao na mamili ng kanyang paglilingkuran sa buhay sapagkat imposibleng magkaroon ng dalawang panginoon ang tao. Ang isa rito ay kanyang pag aalayan ng tapat na paglilingkod - isang bagay na hindi niya maibibigay sa ikalawa.

Sa kwentong ito ay mayroong dalawang pangunahing tauhan:

  1. Amo
  2. Tusong katiwala

Gaya ng ibang pampanitikang akda, ang parabula ay mayroon ding pangunahing mga tauhan.

Iba pang halimbawa ng parabula:

  • Ang aso at ang ibon
  • Ang pulubi

Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Ano ang "Ang Tusong Katiwala"

https://brainly.ph/question/132460

Aral sa "Ang Tusong Katiwala"

https://brainly.ph/question/399261

Tagpuan sa "Ang Tusong Katiwala"

https://brainly.ph/question/923674

Answer: hindi kayo maaaring mag lingkod ng sabay sa pera at diyos, matutong maging mabuting kapwa mula sa una hanggang sa huli, ingatan ang tiwala ng tao sa paligid mo, wag maging tuso katulad ng katiwala sapagkat alam ng diyos ang iyong ginagawa kahit na matuwid ka sa mata ng nasa paligid mo.