Ang sistema ng pagsulat ay lagi
nang kaakibat ng konserbatismo, ang
pinagmulan nito ay sinasabing galing sa mga “Divine sources”. Ang anumang pagbabago o midipikasyon ay
kakambal ng mabigat napag-aatubili at maging
sa ngayon ay umaani ng pagsalungat. Dahil sa konserbatismong ito, ang mga
pagbabago o inobasyon sa istruktura ng pagsulat ay nangyayari dahil nanghihiram
ang isang grupo ng tao sa iba. Isang halimbawa ang mga Akkadians, na ginamit ang
bahaging silabik ng Sumerian logo-silabik sa kanilang wika ngunit pinanatili
ang logograms
(nagrerepresenta ng
buong salita) at ginamit ito bilang isang uri ng shorthand. Samantala,
nang ginamit ito ng Hittites mula sa Akkadians para sa kanilang wika, inalis nilaang karamihan sa mga silabik na simbolo at marami
sa mga Sumerian logograms ngunit gumamit ng maraming Akkadian silabik ispeling
bilang logograms.Mula sa pag-aaral ng
arkeyolohiya, tinatayang ang
hiroglipong mga Ehipto
ang pinakamatandang uri ng pagsulat. Ang mga unang ebidensya nito
ay sinasabing mula sa 3300 o3200 B.C. Ang
mgataga-Mesopotamiaay
tinatayang nagsisulat din ng mga panahong iyon, tinawag nilang cuneiformang
sistema ng kanilang pagsulat.