Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang mga tradisyunal na
piyesta ng mga Kristiyano tulad ng Pasko at Mahal na Araw. Inaalaala din nila
ang May Day, kilala rin bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1 at
Araw ng Tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng
pakikipaglaban sa Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Araw ng Bastille
ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng
Paris ay binagyo ng mga rebolosyunista upang masimulan na ang Rebolusyon sa France.