IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Ang sagot ay "Sumer"
Kasali o kabilang ang "Sumer(3500 - 2340 BCE)" sa kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya.
- Sa pagtapos ng Panahong Neolitiko ang mga grupong nomadikong pastol ay namalagi sa katimugang bahagi ng Mesopotamia at nagsimulang mamuhay sa pamamagitan ng kanilang pagsasaka. Ang nomadikong pamumuhay ay tumutukoy sa gawi ng mga tao o grupo ng tao na napalipat-lipat ng tirahan dahil sa dulot ng pagbabago sa panahon o pagkaubos ng mga suplay ng pagkain sa kanilang kapaligiran. Ang ilog ng Tigris at Euphrates ay ang dahilan ng pagunlad ng kanilang pamumuhay para sa kanilang makakain at pananim, dahil sa tubig na nagmumula sa mga ilog. Sila ay gumawa ng mga dam at dike para maiwasan nito ang pagbaha na maaaring masira ng mga ilog ang kanilang lupang sakahan. Sila rin ay gumawa ng mga kanal na pang-irigasyon sa tuyong lupain sa hilagang bahagi. Ang kinalakihan ng Mesopotamia ay puro tuyong kapatagan. Sa panahon ng tag-init, ang lupa rito ay tila naluluto sa tindi ng init ng araw at nakakaresulta ng maalikabok na hangin. Ang tanging magagandang lugar dito ay ang matabang lambak-ilog.
Mula sa mga bukirin na matatagpuan sa hilagang-silangan, nagtungo ang mga nomadikong Sumerian sa mga lupang sakahang nito noong 3500 B.C.E. Ang mga taong ito ay nakihalubilo sa mga naunang magsasaka sa Mesopotamia. Paglipas ng panahon, ang katimugang Mesopotamia ay tinawag na "Sumer". Ang mga pamayanang malapit sa ilog ay padami ng padami na humantong sa pagbubuo ng 12 lungsod-estado na pinamunuan ng isang hari. Ang bawat lungsod-estado ay may lungsod at mga lupang sakahan na nakapaligid dito para sa pagkukunan ng pagkain. Ang bawat isang lungsod ay mayroon ding sariling pamahalaan at malaya sa iba pang mga lungsod-estado. Ito ang mga ilan na mga kilalang lungsod; Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur, at Nippur.
Ang inatawag na Ziggurat ay isang estruktura na nagsisilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod. Ang ziggurat ay isang sagradong lugar, tanging mga pari lamang ang pwedeng makapasok dito. Ang mga tao sa Sumerian, tulad ng iba pang mga sinaunang tao, sila ay naniniwala sa mga maraming diyos at diyosa. Ang mga diyos-diyosan nila ay anthropomorphic na ang ibig sabihin ay may katangian at pag-uugaling tao.
Ang mga pangyayari sa lipunan ay nagawang maitala ng mga Sumerian, sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat. Ito ay tinatawag na "Cuneiform" na ang ibig sabihin ay hugis-sinsel o wedge-shaped. Ang kanilang paraan ng pagsusulat ay sa pamamagitan ng paggamit ng stylus na gawa sa tambo o reed. Doon sinulat ng mga Sumerian sa mga basang luwad na lapida o clay tablet, gamit ang stylus.
Nakakatulong ang pagkakaroon ng sistemang irigasyon, dahil natutusan nito ang lumalaking populasyon. Nakakatulong din ito upang makapagtanim ng nga pagkain. Sila ay nag-aalaga ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
Madalas ang kanilang dahilan sa tunggalian ng mga lungsod-estado ay tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.
Ang nasa larawan ay imahe ng isang ziggurat
#CarryOnLearning
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.