IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Nagbabantulot
Ang kahulugan ng nagbabantulot ay ang pagdadalawang isip sa gagawing pagkilos. Ang pakiramdam na ito ay may iba’t ibang pinanggagalingan at kadalasan ay mayroong personal na dahilan. Ito ay laging laban sa kalooban ng sino mang nakakaramdam nito, kung kayat nahihirapan sa pagpapasya.
Explanation:
Ilang halimbawa ng mga sitwasyon na maaaring magdulot ng pagbabantulot:
- Ang unang pagkakataon ng pangingibang bansa upang magtrabaho.
- Ang pagpayag sa unang paninirahan ng anak sa isang dormitoryo.
- Kung ang isang bagay ay laban sa ating prinsipyo o paniniwala.
- Ang paglipat ng ibang relihiyon.
- Ang pagtikim ng bagong putahe ng pagkain ns naiiba sa kigisnan.
Narito ang ilang palatandaan ng isang nagbabantulot:
- Ito ay walang kasiguruhan sa kanyang pagpapaseya.
- Maaaring nais umurong sa isasagawang pagkilos ngunit sa ano mang kadahilanan ay hindi maipagyag ng malinaw.
- Napilitan sa pagpayag sa hindi nais gawin.
Narito ang ilan pang mga salitang iplit sa nagbabantulot:
- Nag-aatubili
- May-alinlangan
- Nagdadalawang isip
- Nagbabalak umurong
- Napipilitan
Ilan pang kahulugan ng nagbabantulot sa wikang Ingles:
- Being hesitant
- Is in doubt
- Is feeling reluctant
- Is thinking twice
- Is unsure
Ang lahat sa atin ay dumanas ng mga pagkakataon na kung saan tayo ay nagbabantulot, ito ay pakiramdam na hindi maiiwasan lalo na kung ito ay salungat sa ating pagkatao.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Ano ang kahulugan ng hinuha? https://brainly.ph/question/109655
Ano ang kahulugan ng mapagsukab? https://brainly.ph/question/2112251
Ano ang kahulugan ng pitang? https://brainly.ph/question/2140588
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!