Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
- LUGAR
- LOKASYON
- REHIYON
- PAGGALAW
- INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN
LUGAR
Ang lugar ay tumutukoy sa katangian na natatangi sa isang pook. May dalawang paraan sa pagtukoy sa isang lugar: ang una ay ang katangian ng kinaroroonan ng isang lugar at ang pangalawa ay ang katangian ng mga taong nakatira sa lugar.
LOKASYON
Ang mga kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig ang siyang tinatawag na lokasyon. May dalawang paraan para matukoy ang lokasyon ng isang lugar: ang Lokasyong Absolute at Relatibong Lokasyon.
REHIYON
Ang rehiyon naman ay tumutukoy sa bahagi o parte ng daigdig na pinagbuklod-buklod ng magkakatulad na pisikal at kultural na katangian.
PAGGALAW
Ang paggalaw ay tumutukoy sa paglipat ng tao o indibidwal sa isang lugar patungo o papunta sa iba o bagong lugar. Kabilang na dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan.
INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN
Ang interaksiyon ng tao sa kapaligiran ay tumutukoy sa ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran. Ang kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao.
Dagdag na babasahin:
Ano ang heograpiya?
https://brainly.ph/question/320469
Heograpiya ng Asya
https://brainly.ph/question/126990
Saklaw ng heorapiya
https://brainly.ph/question/118352
#LetsStudy
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.