Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

halimbawa ng konkretong pangngalan at di konkretong pangngalan.

Sagot :

Halimbawa ng Konkreto at Di-Konkretong Pangngalan

Konkreto:

  • itlog
  • libro
  • lapis
  • kalan
  • papel
  • lamesa
  • upuan
  • pinto
  • sapatos
  • medyas
  • pantalon
  • kumot
  • unan
  • tuwalya
  • pinggan
  • larawan
  • salamin
  • pandakot
  • bundok
  • bulaklak
  • blusa
  • panyo

Di-Konkreto:

  • kagandahan
  • buhay
  • tiwala
  • kasipagan
  • dedikasyon
  • katapatan
  • pag-ibig
  • talino
  • enerhiya
  • kinabukasan
  • kaginhawaan
  • katahimikan
  • paggalang
  • kalusugan
  • kadakilaan
  • galit
  • takot
  • kabutihan
  • panalangin
  • kasamaan
  • kalinisan
  • kapayapaan

Ano ang konkreto at di-konkretong pangngalan?

Ang konkreto at di-konkreto ay ang dalawang uri ng pangngalang pambalana. Ang pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng pangngalan. Ito ang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari na hindi partikular o tiyak. Nagsisimula rin ito sa maliit na titik.

  • Ang konkreto ay tumutukoy sa mga pambalana na nakikita, nahihipo o nahahawakan. Ito ay gumagamit ng pandama upang mabigyang pansin. Ito ay tinatawag din na tahas.

  • Ang di-konkreto naman ay tumutukoy sa mga ideya, saloobin o damdamin. Ito ay tinatawag din na basal.

Kahulugan ng Pantangi at Pambalana:

https://brainly.ph/question/133335

#LearnWithBrainly