Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang tema at nilalaman ng ang ningning at ang liwanag ?
Anyo at estruktura
wika at estilo


Sagot :

Ang Ningning At Ang Liwanag

ni Emilio Jacinto

Ang Ningning at Liwanag ay produkto ng literatura sa panahon ng pananakop at nasyonalismo ng isang may-akda. Maaaninaw dito ang ipinakikipaglaban ng mga Pilipino noon. Alamin natin ang ilang bagay gaya ng:

  1. Tema
  2. Nilalaman
  3. Anyo at Istraktura
  4. Wika at Istilo

TEMA NG SANAYSAY

Ang Pagiging Makabayan at Pagkakaroon ng Bukas na Isip sa Kamalayan.

NILALAMAN NG SANAYSAY

Ang sanaysay na Ang Ningning at Ang Liwanag ay patungkol sa dalawang  bagay:

  • Ang mga Pilipino ay nabulag ng kayamanan at kapangyarihan ng mga dayuhang mananakop. Nakikita ito ni Emilio Jacinto bilang ang katotohanan na gusto sana niyang mabago. Para sa kaniya, nahuhumaling na tayo sa mga impluwensya ng mga dayuhan sa ating bansa at nawawala na ang pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino.

  • Sinikap niyang bigyan ng bagong pananaw ang mga Pilipino na makababasa ng kanyang sanaysay. Ang perspektibong ito ay hinggil sa mas mahalagang kayamanang dala ng karangyaan at kapangyarihan laban sa kayamanan na dala naman ng kaliwanagan at kalawakan ng kaisipan.

Basahin pa ng higit ang buod ng Ang Ningning at ang Liwanag sa https://brainly.ph/question/149057.

ANYO AT ISTRUKTURA

Ito ay ipinasulat sa anyong sanaysay (o isang koleksyon ng mga sanaysay). Mayroon lamang itong ilang talata at hindi mahaba.  Hindi rin mahirap basahin. 

WIKA AT ISTILO

Hindi ito gaya ng ibang inililimbag ng mga manunulat noon na Espanyol ang gamit na wika sa pagsusulat ng panitikan, si Emilio ay sumulat sa wikang Filipino (o Tagalog).

Ang istilo ng sanaysay ay pormal pero pangmasa.

Sino si Emilio Jacinto kung kaya naisulat niya ang akdang Ang Ningning at ang Liwanag? Basahin sa https://brainly.ph/question/240156.

Alamin ang alegorya ng Ang Ningning at ang Liwanag sa https://brainly.ph/question/123960.