IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

- Ano ang kontribusyon ng likas na kapaligiran sa gawaing pangkabuhayan ng tao??
-Makatuwiran bang gumawa ng mga hakbang sa pag-unlad gamit ang industriyalisasyon kahit sawalang bahala ang kapaligiran?? Bakit??


Sagot :

Ang likas na kapaligiran ang pangunahing dahilan sa pagpili o pagkakaroon ng uri ng pangkabuhayan ng mga tao sa isang lugar. Sa likas na kapaligiran nakasalalay ang ikinabubuhay ng mga tao dahil ito ang pinagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na ikinabubuhay at ng kanilang ikinakalakal din para matugunan ang mas malaki pa nilang pangangailangan. 

Hindi makatarungan na gumawa ng mga hakbang sa pag-unlad at isawalang bahala ang kapaligiran sapagkat ang mga tao din naman ang mahihirapan kapag maniningil o bibigay ang mga likas na yaman gaya ng pagkakaroon ng matinding polusyon, mga kalamidad at marami pang iba. Kaya nararapat pa rin na isaalang-alang ang mas makabubuti sa kapaligiran.