Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

sa isang tabo laman ay pako

Sagot :

Answer:

"Sa isang tabo laman ay pako"

Sagot: Suha

Bugtong

Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon hanggang ngayon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip at iinuturo rin ang mga ito sa klase.  

Iba pang Halimbawa ng Bugtong;

1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna  

Sagot: Niyog  

2. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso  

Sagot: Santol  

3. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa  

Sagot: Kalabasa  

4. Maliit na bahay, puno ng mga patay  

Sagot: Posporo  

5. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari  

Sagot: Zipper  

6. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig  

Sagot: Asin  

7. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa  

Sagot: Dahon ng Gabi  

8. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin  

Sagot: Sombrero  

9. May balbas ngunit walang mukha  

Sagot: Mais  

10. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan  

Sagot: Kamiseta  

11. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro  

Sagot: Duhat  

12. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo  

Sagot: Walis  

13. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo  

Sagot: Singkamas  

14. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona  

Sagot: Bayabas  

15. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona  

Sagot: Bayabas  

16. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: Paruparo

17. Buto’t balat lumilipad.

Sagot: Saranggola

18. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.

Sagot: Langka

19. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

Sagot: Sandok

20. Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.

Sagot: Mga paa

21. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis

Sagot: Sili

22. May isang prinsesa nakaupo sa tasa.

Sagot: Kasoy

23. Matanda na ang nuno di pa naliligo

Sagot: Pusa

24. Patong patong na sisidlan, may takip ay walang laman

Sagot: Kawayan

25. Ate ko, ate mo, ate ng lahat ng tao

Sagot: Atis

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:  

Mga Katotohanan Tungkol sa Bugtong: brainly.ph/question/1121716

brainly.ph/question/688086  

brainly.ph/question/1962746

#LetsStudy