Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Kapaligiran
Kahulugan
Ang kapaligiran ay tumutukoy sa mga bagay na makikita sa ating paligid. Ito ay maaaring ang ating tahanan, labas ng bahay, paaralan, at iba pa. Naglalaman ito ng mga buhay at di-buhay na bagay. Ito rin ay ang mga panlabas na pwersa o kaganapan. Ito ay mayroong direktang kinalaman sa kabuhayan ng isang tao.
Ang kapaligiran at ang tao ay mayroong ugnayan sapagkat depende sa kung anong uri ng kapaligiran mayroon tayo, masasabi natin ang kabuhayan ng isang tao. Halimbawa, kung siya ay napaliligiran ng mga computers at iba pang teknolohiya, siya ay maaaring nagtatrabaho sa kumpanya ng teknolohiya.
Mga halimbawa
Narito ang ilan sa mga bagay na makikita sa ating kapaligiran
- Ang ating kapwa tao
- Iba't ibang hayop
- Mga puno at halaman
- Mga gusali
- Iba't ibang bagay
Sumangguni sa sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa panata natin sa pangangalaga ng kapaligiran https://brainly.ph/question/2515583
#LearnWithBrainly
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.