IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Ang kabutihang maidudulot nito ay maiiwasan ang mga krimen at higit sa lhat magiging mapayapa ang bansa.
Para sa akin, ang kabutihan dulot ng pagsunod sa mga batas sa isang bansa ay unang una maiiwasan ang kaguluhan kasi iba pa rin kapag may batas lalo na kung ito ay tunay na napapatupad sapagkat nagpapakita lamang na ang mga nasasakopan ng bansa ay may disiplina. Pero kung ito ay hindi nasusunod lalo na kung kay simpleng bagay lang para gawin ay indikasyon lamang na ang taong ito ay walang malasakit sa kanyang bansa. Halimbawa na lamang ng mga babala na madalas nating nababasa, "Bawal magtapon ng basura dito", kay simpleng gawin, siya naman ang kay hirap sundin dahil pansarili lamang ang iniisip. Basta masunod lamang ang gusto, bahala na kung ano man ang maging epekto nito sa kanya at maging sa iba. Sa madaling salita, kung ang simpleng babala ay hindi masunod ng tama, ganon din ito sa batas na pinapatupad para sa lahat na hindi dapat ito binabasta-basta.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.