Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Ano ang Lokomotor at Di-lokomotor?
Lokomotor
Ang lokomotor ay tumutukoy sa mga kilos na ginagawa ng isang tao na nagpapakita ng pagkilos na umaalis sa kinatatayuan. Ibig sabihin, kapag ang kilos ay isinagawa, ang isang tao ay hindi lamang nakapirme sa isang lugar, sa halip ay umaalis ito. Ang mga halimbawa ng kilos lokomotor ay ang pagtakbo, paglangoy, paglalakad, pag-akyat, at marami pang iba (https://brainly.ph/question/209983).
Di-lokomotor
Ang di-lokomotor ay ang kabaliktaran naman ng lokomotor. Kung ang lokomotor ay umaalis sa isang lugar o hindi nakapirme sa isang lugar habang isinasagawa ang kilos, ang di-lokomotor naman ay nananatili lamang sa isang lugar o nakapirme lamang habang ang kilos ay isinasagawa. Ang mga halimbawa ng kilos di-lokomotor ay kumakain, nanood ng TV, nakikinig, at marami pang iba (https://brainly.ph/question/224884).
#LetsStudy
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.