IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ano ang gamit ng banga noong sinaunang panahon ?
Maraming gamit ang banga noong sinaunang panahon. Ginagamit ito para mag-imbak ng mga pagakin at mag-preserba nito. Wala pa noong mga modernong kagamitan tulad ng mga lalagyan ng pagkain na gawa sa plastic o metal, at refrigerator para sa pag-iimabak at pag-pepreserba ng pagakin. At isa pa, wala pang kuryente o elektrisidad noon. Kaya ito ang karaniwang ginagamit ng ating mga ninuno sa pag-iimbak ng pagkain.
Ang banga o tapayan (malaking uri ng mga banga) ay gawa sa luwad o putik gaya ng alam natin. At may iba't-iba itong hugis, sukat at laki. Ang banga ay ginagamit sa pag-iimbak ng pagkaing gaya ng bagoong, alamang at iba pa. Ginagamit din ito para sa pag-pepreserba ng pinaasim na bigas, ng alak o ng suka. Ang tapayan, o malaking bersiyon ng banga ay karaniwan nang ginagamit sa pagiimabk ng tubig. Ginamit din ng ating mga ninuno ang tapayan noon sa paglilibing, gaya halimbawa ng paglalagay ng buto o kalansay ng yumaong mga tao, dahil sa ito ay malaki sa sukat. Ginagamit din ang banga kung minsan sa pagluluto.
Isa sa popular o kilalang banga sa ating bansa ay ang Manunggul Jar. Ang banga ay may iba’t-ibang katawagan din, maging sa ibang mga probinsya sa ating bansa.
Bornay – Ilocos (may katawang malaki at matambok at bungangang makipot)
Boyog o Buyog - Pangasinan, La Union, at Ilocos (halos silindriko ang hugis, palapad ang ibabang bahagi mula sa bunganga)
Gorgorita - ang tawag sa bangang maliit na may mabilog na katawan at mahabang leeg.
Pasig-Pasig - mas malaking bersiyon ng Gorgorita na ang karaniwang inilalagay naman ay bagoong o alamang.
Dulay - Bikol
Tibod - Hiligaynon at Waray
Para sa karagdagang mga impormasyon, pakisuyong i-click ang ang mga link:
https://brainly.ph/question/547169
https://brainly.ph/question/1027232
https://brainly.ph/question/256923
(Sana ay nakatulong sa iyo ang mga iniharap na impormasyon.)
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.