Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano po ba ang kahulugan ng dula?

Sagot :

Dula:

Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer.

Ano ang dula: https://brainly.ph/question/189674

Uri ng Dula Ayon sa Anyo:  

  • komedya
  • melodrama
  • trahedya

Ang komedya ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood gamit ang mga abilidad ng mga gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o linyang binibitawan. Ang halimbawa ng dulang ito ay “Bakit Ang Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan?”

Ang melodrama ay dulang may kasiya – siyang wakas para sa pangunahing tauhan. Ito rin ay nagtataglay ng mga malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at damdaming ipinahahayag ng mga tauhan at minsan ay nagtatapos sa kasawian ng bida. Ito ay karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang pangmusika. Ang halimbawa ng melodrama ay MaraClara.

Ang trahedya ay dulang ang pangunahing tauhan ay masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan ngunit karaniwang may makabuluhang pagtatapos. Ang halimbawa ng trahedya ay Hiblang Abo.

Uri ng Dula Ayon sa Ganapan:

  • panlansangan
  • pantahanan
  • pantanghalan

Ang dulang panlansangan ay karaniwang ipinalalabas sa lansangan. Ang halimbawa nito ay panunuluyan.

Ang dulang pantahanan ay karaniwang isinasagawa sa tahanan. Ang halimbawa nito ay pamamnhikan.

Ang dulang pantanghalan ay karaniwang isinasagawa sa tanghalan. Ang halimbawa nito ay Macbeth ni William Shakespeare.

Uri ng dula: https://brainly.ph/question/184651

Bahagi ng Dula:

  • simula  
  • gitna
  • wakas

Ang simula ang unang bahagi ng dula na karaniwang nagpapakilala sa mga tauhan at nagbibigay linaw sa tagpuan ng dula.

Ang gitna ang bahaging naglalahad ng kasukdulang ng dula.

Ang wakas ang dulong bahagi ng dula na nagbibigay linaw sa kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa dula.

Elemento ng Dula:

  1. aktor
  2. dayalogo
  3. direktor
  4. iskrip
  5. manonood
  6. tanghalan
  7. tema

Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa tanghalan.

Ang dayalogo  ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

Ang direktor o taga – direhe ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-i-interpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

Ang iskrip ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip kaya naman walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.

Ang mga manonood ang nagbibigay – halaga sa dula . Ang karaniwang target ng pagtatanghal ng dula ay ang mga manonood.

Ang tanghalan ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula. Ang tanghalan ay maaaring  isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili upang pagtanghalan ng dula.

Ang tema ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Ipinalalabas ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng malinaw na pagkakabigay ng  tema ng dula.

Elemento ng dula: https://brainly.ph/question/389161

Sangkap ng Dula:

  1. kakalasan
  2. kalutasan
  3. kasukdulan
  4. saglit sa kasiglahan
  5. sulyap sa suliranin
  6. tagpuan
  7. tauhan
  8. tunggalian

Ang kakalasan ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pagsasayos ng mga tunggalian.

Ang kalutasan ay ang sangkap ng dula na naglulutas, nagwawaksi at nagtatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula. Sa kabilang banda, maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.

Ang kasukdulan ay tumutukoy sa bahagi ng dula na sumusubok sa katatagan ng tauhan. Sa bahagi ding ito ibinubuhos ang bugso ng damdamin nais ipadama ng dula.

Ang saglit na kasiglahan ay tumutukoy sa panadaliang paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.

Ang sulyap sa suliranin ay ang pagbabahagi ng suliranin na nais bigyang solusyon sa dula.

Ang  tagpuan ay tumutukoy sa  panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring nakasaad sa dula.

Ang tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay- buhay sa dula. Sa kanila pangkaraniwang umiikot ang mga pangyayari. Sila  ang  mga bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama ng mensahe ng dula.

Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at  tauhan laban sa kanyang sarili. Gayundin, maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian    ang isang dula.