Reighidn
Answered

Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

ano ang dalawang uri ng pamahalaan

Sagot :

Sinaunang Pamahalaan sa Pilipinas

Ano ang Pamahalaan?

Ang pamahalaan o tinatawag rin na gobyerno sa kasalukuyang panahon ay tumutukoy sa mga grupo ng tao o mamamayang namumuno sa isang lipunan o bansa. Mayroon itong sapat na kapangyarihang magpatupad ng mga batas sa teritoryong nasasakupan nito.

Dalawang Uri ng Sinaunang Pamahalaan sa Pilipinas

Binubuo ng dalawang uri ng pamahalaan ang sinaunang panahon, ito ay ang mga sumusunod:  

  1. Pamahalaang Barangay - Ito ay tumutukoy sa kauna-unahang pamahalaang umusbong sa bansang Pilipinas. Pinaniniwalaan na ito ay mula sa salitang Balangay na nangangahulugang isang sasakyan na ginagamit sa paglalayag na sinakyan ng mga sinaunang Pilipino patungo sa mga isla ng Pilipinas.  
  2. Pamahalaang Sultanato - Nagmula ang pamahalaang ito sa impluwensya ng mga Arabe na itinatag sa lalawigan ng Sulu noong 1450.  

Mga uri ng pamahalaan sa kasalukuyang panahon: https://brainly.ph/question/99329

#LetsStudy