Ang pahambing na di-magkatulad ay may dalawang uri. Ito ay ang Palamang at Pasahol. Ang Palamang ay may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambing. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di-hamak, mas, at iba pa.
Pasahol ay may higit na negatibong katangian ang inihahambing sa pinaghahambingan. Gumagamit ng di-gaano, di-gasino, at di-masyado.