IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

TEMA "TIMBANG IWASTO SA TAMANG NUTRISYON AT EHERSISYO

Sagot :

Tula:

Ang kalusugan ang natatanging yaman 
Ng bawat isa ay dapat makamtan
Tanging makikita sa wastong timbang lamang
Ang kalusugang inaasam-asam

Tamang nutrisyon at ehersisyo ang natatanging sagot 
Upang tamang timbang ay madaling maabot
Laging alalahanin, na kapag timbang ang suliranin
Nutrisyon at ehersisyo ay huwag kalimutang suriin.

Sanaysay: 

Sa kasalukuyan kung kailan nauuso ang lahat ng bagay sa computer maging ang mga laro at edukasyon, hindi kataka-takang karamihan ay mayroong nag-iisang suliranin. Iyon ay ang panatilihin ang wastong timbang batay sa edad at taas ng tao. Ang pagkakaroon ng wastong timbang ay isang magandang senyales ng pagkakaroon ng magandang kalusugan.

Ang magandang kalusugan ay hindi lamang nakukuha sa purong bitamina, food supplements at kung anu-ano pa diyan. Ang tama at regular na pag-eehersisyo na hinaluan ng tamang nutrisyon ay ang ganap na 'recipe' sa isang magandang kalusugan. Ang ehersisyo at nutrisyon ay isang kombinasyon para sa kaaya-ayang timbang ngunit sa napakagandang kalusugan na rin. 

Slogan:

Pagkain ng Tama ay Laging Isagawa upang Magandang Pangangatawan ay Makuha

Poster: 

(see attached file for poster)
View image Taskmasters