Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Answer:
Slogan tungkol sa pamilya
- "Ang pamilyang nagtutulungan at nagmamahalan, magkakaroon ng magandang kinabukasan."
- "Mabubuhay ng payapa ang pamilyang may pagkakaisa at sama-sama."
- "Ang pamilya ay maituturing na isang kayamanang hindi maagaw ninuman."
- "Ang iyong magulang ang aagapay sa'yo sa oras ng pangangailangan."
Pamilya
Ang pamilya ang sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ang pamilya rin ang isa sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng tao sa buhay ng bawat isa. Sila ang pinakamagandang regalo ng Panginoon sa atin. Dito natin mararamdaman ang tunay na pagmamahalan, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa. Dito rin nagmumula ang pakiramda ng pagiging ligtas at payapa. Ang ating pamilya rin ang nagbubuklod sa bawat isa, sama-samang lumalaban sa kahit na anong pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa.
Kahalagahan ng Pamilya
- Ang pamilya ay tunay na pag-ibig, pag-ibig na pinagisa ng magulang at mga anak, dito nagkakaroon ng malawak pag-unawa, pag-asa, ginhawa, payo, moralidad, mithiin, at pananampalataya ang bawat kasapi
- Ang ating pamilya ang nakakadulot sa atin ng seguridad at proteksiyon na kahit ano man ang mangyari sa bawat isa, naririyan ang tulong ng isa’t isa sa gabay at patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak.
- Sila ang nagbibigay sa atin ng kaginhawaan ng pamumuhay sa katauhan ng mga magulang na magtataguyod sa pang-araw araw na pamumuhay.
- Ang isang pamilya ay ang unang paaralan kung saan ang isang bata ay tumatanggap ng mga pangunahing halaga ng buhay. Natututo siya ng mabuting kaugalian. Ang mga moral at mga pamantayan na natutunan sa bawat isa ay naging gabay tungo sa pagiging mabuting tao at mamamayan dahil ditto unang nahuhubog ang karakter ng isang tao.
- Ang mga magulang ang tagalikha at sila lamang ang kaakbay mula sa simula gayundin hanggang sa katapusan. Sila ang nakakaintindi sa iyong mga nararamdaman dahil sila ang mas at higit na nakakakikilala sa iyo, laging naroon sa panahon ng
- Ang pamilya ay labis na nakakaapekto sa lipunan at ang lipunan ay nakakaapekto sa bansa. Hindi lamang pamahalaan ang nagtatayo ng bansa, kundi pati na rin ang bawat miyembro ng pamilya. Kaya ang bawat isa ay nagsisilbing susi upang umunlad ang isang lipunan.
- Ang pamilya ang nagsisilbing buhay mo at sila ang nagbibigay ng buhay sa iyo. Kung wala sila, wala ka sa kinatatayuan mo ngayon. Kaya nararapat na pahalagahan ang pamilya dahil sila ang mga taong kasama mo sa anumang hirap at ginhawa. Sila ang bumubuhay at bumubuo sa iyong pagkatao.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na:
Kahalagahan ng pamilya sa ating buhay: brainly.ph/question/633076
#LetsStudy
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.