Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

saan matatagpuan ang caspian sea ano ang kahalagahan nito



Sagot :

Ang Dagat Caspian: Ang Lokasyon at Kahalagahan Nito

Ang Dagat Caspian o Caspian Sea ay matatagpuan sa Kanlurang Asya at Silangang (gilid ng) Europa. Mahalaga ang Dagat Caspian sa ating mundo dahil sa produkto ng yamang tubig nito at ilang mga mahahalagang mineral na nakukuha dito kung kaya sentro ng kalakalan at torismo ang ilang mga lupaing kalapit nito.

Mga Nakukuhang Yaman sa Dagat Caspian

  1. May mga langis at natural gas
  2. Maraming isdang sturgeon na nakatira sa tubig nito dahil ang caviar ay ginagawa mula sa kanilang mga itlog
  3. Mayroon ding matatagpuan na mga mineral tulad ng sodium sulfate na ginagamit sa paggawa ng tina.

Heograpiya ng Dagat Caspian

Ang Dagat Caspian ay isa sa mga mahahalagang sentro ng kalakalan sa daigdig. Bakit? Ito ay dahil sa kaniyang heograpiya na taglay. Alamin ang katangian nito:

  • Ang Dagat Caspian ay tinatayang pinakamalaking lawa sa buong dagidig o dagat ang sabi ng iba at kung susukatin ang lapad nito, nasa 300,000 (371,000 sa ibang pagsukat) km².
  • Sa totoo ay higit na malaki ang Dagat Caspian kahit pa pagsama-samahin pa ang sumunod na anim pang mga lawa.
  • Ang maximum na depth o lalim nito ay nasa 1025 m (3,363 ft).
  • Ang dagat ay bordered sa pamamagitan ng mga bansa ng Azerbaijan, Russia, Kazakhstan, Turkmenistan at Iran. Pinaliligiran ng mga bansang ito ang Dagat Caspian.

Ang Dagat Caspian ay isa sa mga yamang tubig ng Europa at Asya. Nakita na natin ang kahalagahan nito kaya ito ay mas kilala bilang dagat sa halip na lawa noong natagpuan Ito ng mga sinaunang Romano. na siyang pinagkakakitaan ng mga bansang nakapaligid rito kagaya ng Azerbaijan, Kazakhstan, at Turkmenistan.

Karagdagang mga Impormasyon

Kung nais mong bigyang pansin ang kontinente ng buong Asya, magounta sa: https://brainly.ph/question/171427.

Mababasa mo din ang topograpiya at klima ng Asya sa: https://brainly.ph/question/27858.

Napakayaman ng torismo at likas na yaman ng Asya,  kuning ang detalye sa: https://brainly.ph/question/27028.