Ang sanaysay ay isang mabisang paraan ng paglalahad ng sariling pananaw na may kinalaman sa isyu, kaugalian at kultura ng isang bansa sapagkat isa itong direkta at simpleng pagsasalaysay ng isang opinyon tungkol sa isang pangyayari. Ito ay hindi gumagamit ng matatalinghagang salita kung kaya't madaling maunawaan ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng may-akda sa sanaysay na ginawa tungkol sa iba't ibang isyung panlipunan, pampamahalaan, pang-edukasyon at maging pangsekuridad. Ang sanaysay ay maaaring pormal o di-pormal na pamamaraan ng pagsulat kung kaya't kahit sino ay maaaring gumawa ng sanaysay.