Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

Ito'y tumutukoy sa gabay na binibigay ng isang nakatatanda sa isang bata o mag-aaral upang matapos ang isang gawain.​

Sagot :

Answer:

Alinsunod sa Seksiyon 16 ng Batas Republika Blg. 10533 na pinamagatang “Isang Batas na Nagpapabuti sa Sistema ng Batayang Edukasyon sa Pilipinas sa Pagpapalakas ng Kurikulum Nito at Pagdadagdag ng Bilang ng mga Taon para sa Batayang Edukasyon, Paglalaan ng Pondo Para Rito at Para sa Iba Pang Layunin,” na kilala rin bilang “Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013,” na pinagtibay noong 15 Mayo 2013, at nagkaroon ng bisa noong 8 Hunyo 2013, naglalabas dito ngayon ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED), at ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA) ng sumusunod na mga tuntunin at mga regulasyon sa pagpapatupad ng mga probisyon ng Batas.

Seksiyon 1. Pamagat. Ang mga tuntunin at regulasyong ito ay tatawagin bílang Mga Tuntunin at Regulasyong Pampatupad (IRR) ng “Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013” (Batas Republika Blg. 10533).

Seksiyon 2. Saklaw at Aplikasyon. Ang mga probisyon ng IRR ay pangunahing ilalapat sa lahat ng mga pampubliko at pribadong institusyon at sentrong pampagkatuto para sa batayang edukasyon. Ilalapat din ang IRR na ito sa mga Institusyon ng Lalong Mataas na Paaralan (HEI), Institusyong Teknikal-Bokasyonal (TVI), mga organisasyong may kaukulang pagkilala at gumagana bilang mga Institusyon ng Edukasyong Pangguro (TEI), at mga pundasyon.

Seksiyon 3. Pagpapahayag ng Polisiya. Ang IRR na ito ay bibigyang-kahulugan sang-ayon sa Deklarasyon ng Polisiya na makikita sa Seksiyon 2 ng Batas.

Seksiyon 4. Pagpapakahulugan ng mga Termino. Para sa mga layunin ng IRR na ito, ang mga sumusunod na termino ay mangangahulugan o uunawain bilang ang mga sumusunod: