Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Gawain #4
Panuto: Basahin mong mabuti ang kwento at sagutin ang mga tanong
PAGPAPALA
Lumubog ang bangkang sinasakyan ng isang lalaki; mabuti na lamang at nakahawak siya sa
isang life jacket kaya't nakuha niyang makalutang sa tubig nang buong araw. Hinampas siya
ng alon at ipinadpad sa isang islang walang naninirahan.
Matapos siyang makabawi ng lakas ay nagtayo siya ng maliit na bahay na yari sa mga dahon
at sanga ng punong nasa isla. Inilagay niya sa kanyang munting tirahan ang lahat na gamit
na kanyang nailigtas. Sa araw-araw ay nananalangin siyang iligtas ng Diyos. Araw-araw din
siyang tumatanaw sa malayo upang mag-abang ng mga barkong daraan.
Minsan, mula sa kanyang paghahanap ng makakain ay nagulat na lamang siya nang
makitang ang kanyang munting tahanan ay nasusunog. Huli na upang iligtas ang mga
kagamitang nasa loob nito. Wala nang habol... Ano pa ang maaaring gawin? Wala na, ito na
ang pinakamasamang nangyari
.
Hindi niya alam naging pagpapala pa para sa kanya ang sunog na ito sapagkat namataan ng
kapitan ng isang barkong dumaraan ang usok na likha ng sunog kaya kinabukasan ay
bumalik ang barkong dala ang kinakailangang gamit at siya ay tinulungan.



Sagutin Mo.
1. Sa paanong paraan ipinakita ng lalaki ang kanyang pananampalataya
sa Diyos?
2. Paano siya natulungan ng kanyang pananampalataya?
3. Paano mo ito maiuugnay sa iyong sariling karanasan.


Sagot :

Answer:

1.hindi sya sumuko na may magliligtas sa knya patuloy syang lumaban sa mga nangyari sa knya

2.nagtiwala sya na may makakapagligtas sa kanya.at dahilan na ang sunog para may makapansin sa kanya

3.wag kang sumuko sa ano mang pwedeng mangyari sayo dahil hindi hahayaan ng Diyos na ikaw ay tuluyang mapahamak.gagamit sya ng mga tao para mtulungan ka.