IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang KORIDO ay isang salaysay tungkol sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punong-puno ng kababalaghan.
Ang AWIT naman ay isang salaysay patungkol sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang sangkap na kababalaghan.
Explanation:
Hope it help you
Answer:
Awit at Korido
Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madaling mapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang kanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa. Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.
Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay may natatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.
Mga Halimbawa ng Korido:
Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana
Katangian ng awit at korido
Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:
1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob ditto
Kategorya ng Awit at Korido
Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas. Karaniwang nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang mga kritikang lumabas hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.