Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

tulong economics grade 9​

Tulong Economics Grade 9 class=

Sagot :

Answer:

Ito ang aking opinyon. Oo, may inangat nga ating bansa. May pagbabagong nangyari maging mabuti man ito o hindi, may pagbabago pa rin na nangyayari. Kaya, masasabi kong umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga sobrang maliliit na bagay na ito. Umaangat ang ating ekonomiya, sinasabing “Next Rising Tiger” ng Asya ang Pilipinas, ito ay mga senyas na umaangat nga tayo. Ngunit, kung malaki ba ang inuunlad natin, masasabi kong hindi.

Explanation:

Ito ang katanungan na kadalasan ay tinatanong ng mga Pilipino ngunit, talaga bang umuunlad ang Pilipinas? Kung titignan natin ang GDP ng Pilipinas, ito nga ay umangat ngunit kung itatabi natin ito sa ating karatig na bansa, sadyang nakakahiya dahil sobrang laki ng tinaas ng kanilang GDP. Sa atin, may inangat nga ngunit kaunti lamang. Sinasabi nga na ika-anim na sa mga lumalagong ekonomiya ang ating bansa. May katutuhanan dito at ito ay makikita natin sa SONA ngunit babalik pa rin tayo sa Pilipinas mismo. Oo, may tinaas ang ating ekonomiya ngunit paano naman ang mga Pilipino na nakikita natin sa gilid-gilid? Paano ang Quiapo? Ang Rekto? Ang Divisoria? Oo, may mga pagbabago dito ngunit, malaki ba ang pinagbago nito? Hindi naman, hindi ba? Sinasabi nga rin na ang Pilipinas ang “Next Rising Tiger” ng Asya. Hindi ba isang kaunlaran iyon ngunit kung titignan talaga natin ang sarili nating bansa at itatabi natin ito sa ating karatig na bansa sa Asya, tayo nga ba ang “Next Rising Tiger” ng Asya?