Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

paghahabi sa pilipinas

Sagot :

Answer:

Habi o Paghahabi

Ang habi ay tela na binuo sa pamamagitan ng pinagsalit-salit na mga himaymay, hibla, o sinulid. Tumutukoy din ito sa paraang ginamit o natatanging disenyo sa paghahabi.

Halimbawa, ang “habing Iloko” ay tumutukoy sa paraan at disenyong katutubo sa Ilocos. Ang “tinalak” ay isang halimbawa ng katangi-tanging paghahabing gumagamit ng hibla ng abaka. Ang “hablon” ay isang paraan ng paghahabing nagmula sa Iloilo.

May mga palatandaan ng katutubo’t sinaunang ugat ang paghahabi sa Filipinas. Halos lahat ng pangkating katutubo sa bansa ay may sinaunang habihan, paraan ng pagkuha ng himaymay sa iba’t ibang halaman, at natatangi’t paboritong kulay at disenyo.

Explanation:

carry on learning;)

Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.