Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
MGA SULIRANIN AT HAMON TUNGO SA PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA, PAGTUTULUNGAN, AT KAUNLARAN PANIMULA: Mababakas sa ika-19 na siglo sa kasaysayan ng daigdig, ang malawakang paglaganap ng diwang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi nito. Iisang lahi, iisang lipi, magkatulad na wika, relihiyon at pagpapahalaga ang pangunahing salik na nabunsod sa diwang nasyonalismo. Kasabay nito ay ang pag-unlad ng agham, industriya at kaisipang pampulitika ng mga bansa. Subalit sa pasimula ng ikalawang dekada ng ika- 20 siglo maraming pangyayari ang naganap na gumimbal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Naganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinundan ng iba’t ibang ideolohiya, Cold War at ang malawakang Neokolonyalismo ng mga superpowers na bansa. Upang mawakasan ang di- pagkakaunawaan bumuo ang mga bansa ng pandaigdigang samahan na siyang mangunguna sa pag-aayos ng lahat ng sigalot ng mga bansa. Sa pagkakataong ito, susuriin natin ang mahalagang papel na ginampanan ng mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran mula ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang mga babasahin at teksto ang magsisilbing gabay upang masagot mo ang tanong na paano ka makakatulong upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran? Mga Aralin at Sakop ng Modyul Aralin 1 – Unang Digmaang Pandaigdig Aralin 2 – Ikalawang Digmaang Pandaigdig Aralin 3 – Mga Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo Aralin 4 – Ang United Nations at Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa Ang sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa Yunit na ito. Tiyaking iyong babasahin at babalik-balikan dahil ito ang magsisilbi mong gabay sa iyong pagkatuto.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.