Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Hakbang sa pagsulat ng tekstong argumento

Sagot :

Answer:

1.Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo. Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum

2.Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito.

3.Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon.

4.Gumawa ng borador (draft).

• Unang talata: Panimula

• Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay-daan sa paksa.

• Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng talata kung mas.maraming ebidensiya.

• Ikaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may ibang mambabasang hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito ang iyong mga mga lohikal na dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon.

• Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat

• lkaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?”

5.Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo.

6.Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks.

7.Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya.

Step-by-step explanation:

correct me if im wrong po

pa brainliest