Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

sumulat ng liham pasalamat sa ating Panginoong Dyos sa patuloy na pag-iingat nya saatin ngayong panahon ng pandemya​

Sagot :

Answer:

Nga papasalamat ako saating diyos dahil kanagabayan nya ang mga frontliners at ang ibang tao at nagdadasal ako na ako at ang aking pamilya ay hindi magkaroon ng covid at manatili kami na malusog

ANSWER:

Ama naming Diyos na makapangyarihan sa lahat, batid naming tapat Ka sa Iyong mga pangako.

Hindi Mo kami iiwan, ni pababayaan man.

Ngayung kami po ay kumakaharap sa isang pandaigdig na krisis kaugnay ng paglaganap ng virus na COVID-19, kami po ay nagpapakumbaba at sumasamong Iyong dinggin ang aming mga panalangin.

Inilalapit po namin ang mga taong nagkaroon ng karamdaman dahil sa virus na ito. Sila po nawa ay agaran Mong pagalingin, ang kanilang lakas ay iyong panumbalikin.

Protektahan Mo po ang mga nars, ang mga doktor at ang iba pang mga taong nangangalaga sa mga may karamdaman, bigyan Mo po sila ng malakas na pangangatawan upang hindi sila dapuan ng anumang sakit.

Palakasin Mo po sila sa mga panahong sila ay pagod na at aliwin sa mga panahong sila ay pinanghihinaan na ng loob.

Bigyan Mo po ng katalinuhan at kaliwanagan ng isip ang mga namumuno sa aming bansa. Tulungan Mo po silang magpasya nang naaayon sa Iyong kalooban, alang-alang sa ikabubuti ng nakararami.

Lingapin Mo po ang aming mga kababayang nawalan ng mga hanapbuhay. Maabot po nawa sila ng tulong at maitawid nawa nila ang kanilang araw-araw na ikabubuhay.

Nagpapasalamat po kami sa mga taong patuloy Mong ginagamit upang magpa-abot ng tulong sa mga pinaka nangangailangan sa iba’t-ibang kaparaanan. Ikaw na po ang bahalang magpala sa kanila.

Gayundin sa mga taong patuloy na nagdadala ng mga serbisyong kailangan namin habang kami ay nananatili sa loob ng aming mga tahanan, ingatan Mo po sila.

Dalangin po namin ang Iyong pagkilos upang ang pagkalat ng virus na ito ay tuluyan nang mapigil.

Sa lalong madaling panahon, ang aming panalangin ay matuklasan na ang lunas sa sakit na ito.

Amin pong inilalagak sa Iyo ang aming mga alalahanin at pagkabalisa.

Sapagkat Ikaw lamang ang makapagbibigay sa amin ng kapanatagan at kapayapaan, anuman ang nangyayari sa aming kapaligiran.

Sa Iyo po namin ipinagkakatiwala ang aming buhay, ang aming sambahayan, ang aming mga kababayan, at ang aming bansang Pilipinas.

Ito po ang aming taimtim na dalangin,

Amen.

EXPLANATION:

YOU'RE WELCOME, GUYS.

HOPE IT HELPS.

FOLLOW FOR MORE ANSWERS.