Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Answer:
Hindi maitatatwa ang simulain ng UP bilang aparato ng kolonyal na
establisyimento ng Amerikano. Kung ang libreng pampublikong
edukasyon ay ipinalaganap para sa pagtatao ng lumalawak na burukrasya ng
kolonisador, ang UP ay itinatag bilang show window ng mulat na kolonyalismo
(enlightened colonialism)--upang masabi na ang matatalino’t nararapat na
gradweyt ng high school ay may karapatang makatungtong at makapagtapos
sa pinakamataas na institusyong pangkaalaman. Matagal bago nakahulagpos
ang UP sa sinaunang ugat at pagkaunlad nito: una, bilang lapat na akademya
ng disenyo ng kolonyalismong Amerikano; at ikalawa, bilang ideolohikal na
aparato ng neokolonyal na estado, matapos pagkalooban ng independensya
ang bansang nagtatag ng UP.