Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Mas Makapangyarihan ang mga Lalaki

Sa ilang dahilan, iginigiit ng mga lalaki ang kanilang kapangyarihan sa maraming paraan. Mas malalakas ang lalaki. Matagal silang mapagod. Pansinin lamang kung paano sila magbasketbol, o maglipat ng sako-sakong bigas sa trak, o
kumayod bilang karpintero. Mas matatapang ang lalaki. Hindi sila sumisigaw kapag nakakakita ng daga, alam nila ang gagawin kapag nakaharap ang ahas, at hindi sila natatakot maglakad sa madidilim na lansangan kung gabi. Mas matitipid ang lalaki. Iisang barong Tagalog ang maaari nilang isuot sa bawat pagtitipon. Maaari rin iisa lamang ang kanilang kurbata at iisa rin ang pares ng pantalon. Higit na mapag-isip ang lalaki. Hindi sila padalos-dalos. Malinaw nilang napaghihiwalay ang tama sa mali. Hindi napangingibabawan ng damdamin ang kanilang mga pagpapasya. Sumasang-
ayon ka ba na mas makapangyarihan ang mga lalaki sa mga babae?

Ano ang mga dahilan kung bakit iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan sila kaysa sa mga babae?
16. ______________________________________________________________________________

17. ______________________________________________________________________________

18. ______________________________________________________________________________

19-20. Ibuod ang lathalain batay sa balangkas. Ipagpatuloy ang pangungusap sa ibaba.
Iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan sila dahil ________________________
__________________________________________________________________________________​​


Mas Makapangyarihan Ang Mga LalakiSa Ilang Dahilan Iginigiit Ng Mga Lalaki Ang Kanilang Kapangyarihan Sa Maraming Paraan Mas Malalakas Ang Lalaki Matagal Silang class=

Sagot :

Answer:

16. Matagal silang mapagod.

17. Mas matatapang ang mga lalaki.

18. Mas matitipid ang mga lalaki.

19-20.

Iginigiit ng mga lalaki na mas makapangyarihan sila dahil mas matagal sila mapagod, Mas matapang at higit sa lahat mas matipid kumpara sa mga babae.