IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

1. Ang pangulo ng Pilipinas ang siyang pinakamataas na pinuno ng bansa at namumuno ng Sandatahang Lakas. Siya rin ay binigyan ng espesyal na kapangyarihan na nakasaad sa Saligang Batas ng 1935. Anong espesyal na kapangyarihang ito? *



A. Magbigay ng pinasiyal na tulong sa ibang bansa.

B. Magkaroon dito sa bansa ng pagpupulong ng mga pinuno ng iba't ibang bansa.

C. Magpatupad ng batas militar sa buong kapuluan ng Pilipinas.

D. Magpatupad ng mga batas para sa mga militar sa buong kapuluan ng Pilipinas

2. Ang batas militar ay Itinuturing na isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng isang namumuno sa pamahalaan. Kailan pwedeng magpatupad ng batas militar? *



A. Upang maiwasan ng buong bansa ang mga paghihimagsik ng mamamayan.

B. Mapalayo sa panganib ng rebelyon ang lahat ng mamamayan ng bansa.

C. Makaiwas sa iba't ibang karahasan ang mga tao sa lipunan.

D. Ang mga binanggit na kasagutan ay lahat na maaaring iwasan kung magpatupad ng batas militar.



3. Maraming suliranin ang naranasan ng buong kapuluan na nagbigay-daan sa pagdedeklara ng batas militar tulad ng pagsilang ng mga makakaliwang pangkat. Aling pangkat ng mga ito ang may layunin ng pagbabago sa pagitan ng mga mag-ari ng lupang sinasaka at ng mga magsasaka? *



A. Moro National Liberation Front

B. Communist Party of the Philippines

C. Moro International Liberation Front

D. New People's Army



4. Sa bahagi ng Mindanao mayroon ding mga makakaliwang pangkat ang binuo na ang layunin at magtatag ng hiwalay na pamahalaan sa Pilipinas. Anong makakaliwang pangkat ang tinutukoy? *



A. Communist Party of the Philippines

B. Moro National Liberation Front

C. New People's Army

D. Marking Guerillas in Mindanao



5. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos maraming pangyayari ang nagbigay-daan upang magtakda ng batas militar sa buong kapuang Pilipinas. Alin sa sumusunod ang hindi dahilan? *



A. pagsilang ng mga makakaliwang pangkat

B. malubha na suliraning pangkapayapaan

C. pagsususpinde sa writ of habeas corpus

D. pagsilang ng demokrasya sa bansa


6. Naranasan ng sambayanang Pilipino ang iba't ibang karahasan at kaguluhan sa kamay ng mga militar simula pa lamang noong Setyembre 21, 1972 ngunit ipinahayag niya ito sa radyo at telebisyon noong Setyembre 23,1972. Ano ang ipinahayag ni Pangulong Marcos? *



A. pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 1081

B. pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 2045

C. Pagdedeklara ng batas militar sa buong NCR

D. Pagdedeklara ng batas militar sa mga lalawigan ng Pilipinas

7. Ang pribilehiyong ito ang nangangalaga sa mamamayan upang hindi makulong nang hindi dumaraan sa tamang proseso ng paglilitis. Ano ang tinutukoy? *



A. search warrant

B. arrest warrant

C. writ of habeas corpus

D. subpoena

8. Maraming uri ng batas ang maaaring ipalabas ng pangulo sa ating bansa. Alin ang hindi kabilang? *



A. Kautusang Pampanguluhan

B. Liham-Pagpapatupad

C. Kautusang Pangkongreso

D. Kautusang Pangkalahatan



9. Sa pamamagitan ng proklamasyong ito ipinahayag ni Marcos ang pagsususpindi sa karapatan o pribilehiyo sa writ of habeas corpus. Ano ang tinutukoy? *



A. Proklamasyon Blg 2045

B. Proklamasyon Blg. 889

C. Proklamasyon Blg. 8901

D. Proklamasyon Blg. 1081



10. Siya ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines noong 1968. Sino ang tinutukoy? *



A. Nur Misuari

B. Jose Maria Sison

C. Juan Ponce Enrile

D. Ninoy Aquino