IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Labanan sa Relihiyon (pangyayari)

nonsense = report

wag na po kayo magsagot if di nyo alam. ​


Sagot :

Ang banal na digmaan (Ingles: religious war, holy war; Espanyol: guerra santa) ay isang digmaang sanhi ng mga pagkakaiba-ibang may kaugnayan sa pananampalataya. Maaaring kabilang dito ang isang bansa, bayan, o estadong may nakatatag na relihiyon labat sa isa pang bansa, bayan, o estadog may ibang relihiyon o sektang nasa loob ng parehong relihiyon, o isang pangkat na pinasisigla ng pananampalataya o paniniwala para subuking palawigin ang relihiyon nito sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo at kaguluhan, o para supilin ang ibang grupo dahil sa mga paniniwalang pangreliyon nito o mga kaugalian.

TANONG

Ang relihiyon ba ang dahilan ng mga digmaan?

SAGOT

Totoo na ang maraming kaguluhan sa kasaysayan ng mundo ay dahil sa relihiyon at kinasasangkutan ng maraming relihiyon. Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:

• Ang mga krusada (crusades) — Ito ay ilang serye ng kampanya mula noong ikalabing isa hanggang ikalabintatlong siglo (11th to 13th century) na isinagawa sa layunin na muling angkinin ang Israel mula sa mga mananakop na Muslim at upang tulungan ang Imperyong Byzantine.

• Ang mga digmaang panrelihiyon sa Pransya (The French Wars of Religion) — Ito ay ilang sunod sunod na digmaan sa Pransya noong ikalabing-anim na siglo (16th century) sa pagitan ng mga Romano katoliko at Protestanteng Huguenots.

• Ang tatlumpong (30) taon ng digmaan – Ito ay isa pang digmaan sa pagitan ng mga Romano Katoliko at Protestante noong ikalabimpitong siglo (17th century) sa bansa na ngayo’y tinatawag na Germany.

Ang listahang ito ay maiksi lamang. Maidadagdag din ang Taiping Rebellion at maraming kaguluhan sa Northern Ireland. Hindi maikakaila na ang Kristiyanismo ay may malaking ambag sa mga kaguluhan sa buong dalawang libong (2,000) taon ng kasaysayan ng mundo.

Sa relihiyong Islam, may isang konsepto na tinatawag na jihad, o ‘banal na digmaan.’ Ang salitang jihad ay literal na nangangahulugan na ‘labanan,’ ngunit ang konsepto ay laging ginagamit upang ilarawan ang pakikipagdigmaan upang palawakin at depensahan ang mga teritoryo ng Islam. Ang halos hindi tumitigil na digmaan sa Gitnang Silangan sa loob ng mahigit na limandaang (500) taon ay malaki ang ambag sa ideya na ang relihiyon ang dahilan ng mga digmaan. Ang pag-atake sa Amerika noong Setyembre 11 ay jihad ang dahilan laban sa Amerika, ang ‘dakilang Satanas’ na sa paningin ng mga Muslim ay kumakatawan sa Kristiyanismo. Sa Judaismo, ang mga pananakop sa mga bansa sa pamamagitan ng pakikipagdigma ay itinala sa Lumang Tipan (partikular sa aklat ni Josue) sa utos ng Diyos upang maangkin ng mga Israelita ang Lupang Pangako.

Ang argumento ay talaga bang ang relihiyon ang siyang naging dahilan ng maraming digmaan sa kasaysayan ng sangkatauhan? Gayunman, mapapatunayan ba ng mga kritiko ng relihiyon na ang relihiyon mismo ang dahilan ng mga digmaan? Ang sagot ay “hindi” at “oo.” Oo, dahil sa esensya ang relihiyon ang motibo sa likod ng maraming kaguluhan. Gayunman, hindi rin dahil hindi ang mismong relihiyon ang pangunahing dahilan ng mga digmaankop ng mga Muslim, Digmaang Pampananampalataya sa Pransiya, ang Mga Krusada, at ang Rekonkista.

Explanation:

Sana makatulong◉‿◉