IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
Napakaraming natutunan kong aral na maaari nating mapulot sa mga nobela ng ating bayani. Sa Noli Me Tangere ang aral na mapupulot natin ay ang hindi paggamit ng anumang dahas gaano man kalaki ang nagawang kasalanan ng ibang tao sa atin. Isa pa ang napakamakapangyarihang mensahe ni Rizal mula pa rin sa kaniyang Noli ay ang ‘hindi paglalagay ng batas sa ating mga kamay’, para sa akin ito ang mensaheng kumatawan sa buong nobela. Napakagandang isipin na sa kabila ng mga nagawa ng mga kastila at pagpapakita ng kasamaan ng mga dominikong pari kay Rizal ay ni minsan hindi niya nagawang saktan o pisikalin ang mga ito. Bagamat dawit sa kanyang mga nobela ang mga prayle ay nagsaad lamang siya ng katotohanan.