IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Mga Katangian ni Elias
1.Matapang
2.Tapat na Kaibigan
3.Mapagmahal sa Bayan
4.Matulungin
~Si Elias ay Matapang
Mapapatunayan na si Elias ay taong may taglay na tapang at lakas ng loob, ilang beses niyang pinatunayan ng inililigtas niya si Ibarra sa kapahamakan, lalo na ng itakas niya si Ibarra sa bilangguan at iligtas niya ito sa kamay ng mga guwardiya sibil nagawa niyang iligaw ang mga ito, lalo na ng magpasya siyang tumalon sa lawa at pagbabarilin ng mga guwardiya sibil, pinaulanan siya ng bala at kahit may sugat na siya ay nagawa pa niyang lumangoy sa kabilang pampang ng ilog, at inakala nga ng mga ito na si Ibarra ay siya, at napaniwala niya ang mga guwardiya sibil na si Ibarra ay tuluyan na nilang napatay.
~Si Elias ay tapat na kaibigan.
Lagi niyang binibigyan ng babala si Ibarra sa tuwing alam nitong ito ay mapapahamak sa kamay ng mga lihim nitong kaaway. Nanatili siyang tapat kay Ibarra kahit pa nga ng malaman nito na ang ninuno ni Ibarra ang siyang naging dahilan ng pagdurusa ng kanyang ninuno, ng muling maharap si Ibarra sa panganib ay muli nanaman niya itong tinulungan.
~Si Elias ay mapagmahal sa Bayan
Maraming isinakripisyo si Elias para sa bayan at sa kanyang mga kababayan, kinalimutan niya ang sarili alang alang sa bayan at sa kanyang mga kababayan, kaya nga lagi din niyang tinutulungan si Ibarra sapagkat naniniwala siya na si Ibarra ay merong mabuting puso at may malasakit din sa bayan at sa mga Pilipino na katulad niya. Alam niyang Malaki ang maitutulong ni Ibarra sa mga kabataan na matuto sa maraming bagay at para pagdating ng araw ay sila naman ang magtatanggol sa bayan.
~Si Elias ay matulungin
Ilang beses niyang pinatunayan iyan, sa pamamagitan ng palagi niyang pagtulong at pagliligtas kay Ibarra. Siya ang nagsunog ng silid ni Ibarra at siya rin ang kumuha ng mahahalagang papeles ni Ibarra upang itago iyon upang walang makuhang ibedensya ang mga guwardiya sibil kay Ibarra ng hulihin nila ito, at sa bandang huli nga ay itinakas niya si Ibarra sa Bilangguan at inialay niya ang kayang sariling buhay para sa kanyang kaibigang si Ibarra.
Explanation:
Sana makatulong :)
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.