Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

ano ang sukat ng bawat taludtod ng tula?​

Sagot :

Answer:

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat

2. Saknong

3. Tugma

4. Kariktan

5. Talinghaga

6. Anyo

7. Tono/Indayog

8. Persona

Sukat

Ito ay tumutukoy sa bílang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:

is•da – ito ay may 2 pantig

Ma•ri•ve•les – may 4 na pantig

Tandaang ang salitang "mga" ay laging binibílang ng 2 pantig.

Mga Uri ng Sukat:

1. Aanimin –

Halimbawa:

Ako ay may lobo

Lumipad sa langit

2. Wawaluhin –

Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles

Nása loob ang kaliskis

3. Lalabindalawahin –

Halimbawa:

Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad

Sa bait at muni, sa hatol ay salat

4. Lalabing-animin –

Halimbawa:

Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

5. Lalabingwaluhin –

Halimbawa:

Ibon kang lumipad sa rurok ng langit na ang buong nasà

Silawin sa kinang ang nabaghang titig ng isang nilikha

Minsan, may mga makata ring gumagamit ng Sasampuin at Lalabing-apatin ngunit ang 5 uri ng sukat na binanggit ang madalas na ginagamit.

Saknong

Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tulang may 2 o maraming linya (taludtod).

2 linya – couplet

3 linya – tercet

4 linya – quatrain

5 linya – quintet

6 linya – sestet

7 linya – septet

8 linya – octave

Ang couplet, quatrain at quintet ang madalas na ginagamit sa mga tula.

Tugma

Isa itong katangian ng tula na hindî angkin ng mga akdang tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang hulíng pantig ng hulíng salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nagpapaganda sa pagbigkas ng tula. Nagbibigay ito sa tula ng angkin nitóng himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma:

1. Assonance – paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa:

Mahirap sumaya

Ang taong may sala

Kapagka ang tao sa saya’y nagawi

Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.

Halimbawa, kung quatrain:

Unang Lipon – nagtatapos sa pare-parehong patinig

1

1

1

1

Ikalawang Lipon – nagtatapos ang una't ikalawang linya sa parehong patinig, ang ikatlo't ikaapat na linya naman ang magkatulad

1

1

2

2

Ikatlong Lipon – magkasalitan

1

2

1

2

Ikaapat na Lipon – hindî gaanong ginagamit

1

2

2

1

2. Consonance – paraan ng tugmaan na kung saan ang mga salita ay nagtatapos sa katinig.

a. Unang Lipon – mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t

Halimbawa:

Malungkot balikan ang taong lumipas

Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. Ikalawang Lipon – mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y

Halimbawa:

Sapupo ang noo ng kaliwang kamay

Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan

Kailangang magtaglay ang tula ng mga salitang hindî lang maririkit kundi angkop na angkop (kailangang marunong pumilì ang makata ng salitang gagamitin) sa tema ng tula; gayundin, mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mga mámbabása.

Talinghaga

Tumutukoy ito sa paggamit ng mga matatalinghagang salita at mga tayutay.

○ Tayutay - pagwawangis, pagtutulad, pagmamalabis at pagsasatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga ng tula

Anyo

Ang porma ng tula: malayang taludturan o tradisyonal (may sukat at tugma); sa kasalukuyan ay may mga tula ring may sukat pero walang tugma at walang sukat pero may tugma.

Tono/Indayog

Ang diwa ng tula.

Persona

Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan; maaaring ang makata mismo o isang hayop o isang bagay.