IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

1. Ano ang nais ipahiwatig ng saknong 1 & 2?

2. Batay sa saknong 7, masasabi mo ba na sa Pilipinas ang tag puan ng koridong ibong adarna? Bakit oo?Bakit hindi?

3. Batay sa saknong 18 & 19, anong uri na ama si Haring Fernando? Ipaliwanag

4.Anong paniniwalang Pilipino ang ipinapahayag ng saknong 40?

5.Anong kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa mga sumusunod na saknong?
a. saknong 1 & 2
b. saknong 18 & 19
c. saknong 41
d saknong 123


(Report pag nonsense at di completo)​


1 Ano Ang Nais Ipahiwatig Ng Saknong 1 Amp 22 Batay Sa Saknong 7 Masasabi Mo Ba Na Sa Pilipinas Ang Tag Puan Ng Koridong Ibong Adarna Bakit OoBakit Hindi3 Batay class=

Sagot :

Answer:

1. Ito ay nagpapahiwatig ng pakikiusap o pagmamaka-awa ng isang tao na naguguluhan, napaghihinaan ng loob at wari'y naliligaw ng landas sa Birhen na sya'y gabayan ng di malihis ang landas.

2. Sa aking palagay batay sa aking binasa maaaring hindi Pilipinas ang tagpuan ng koridong ibong adarna sa kadahilanang ang kahariang berbanya ay hindi matatagpuan sa pilipinas at ang bundok tabor ay matatagpuan sa Israel naman.

3. Si Haring Fernando ay isang mapagmahal, kagalang-galang at madisiplinang ama sa kanyang mga anak kung saan maaga nyang pinaturuan ng mga kailangang kaalaman ang kanyang mga anak.

4. Maaring isang bangungut o masamang panaginip ang paniniwalang Pilipino ang ipinapahayag. Gaya ng sa saknong dahil sa masamang panaginip nga hari sya'y nagkasakit at ang tanging lunas lamang ay ang awit nga ibong adarna.

5.

a. Pagkamadasalin, pagpapakumbaba, at paghingi ng gabay sa langit.

b. Mapagmahal

c. Matibay na paniniwala, husay sa pagsasalarawan at pagkamabighani.

d. Pagbibigay galang at paghugot ng lakas sa mahal sa buhay.