IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

implikasyon ng digmaan pandaigdigan sa asya​

Sagot :

Maliban sa 75M na buhay at bilyon-bilyong halaga ng ari-arian na nasira noong panahon na iyon, ang GDP ng karamihan sa bansa sa Timog-Silangang Asya (na sinakop ng Japan) ay bumaba ng kalahati. Nagkaroon ng malawakang kagutuman at pagpagsak ng ekonomiya lalo na't sa mga bansang direktang sangkot sa giyera tulad ng Japan; na kinailangan ng ilang dekada upang sila ay makabangon muli.

Ngunit, kasabay ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nabuo ang iba't ibang samahan at kasunduan na nagpapatibay sa kapayapaan 'di lamang ng Asya, kundi ng buong mundo.

Ilang buwan lamang pagkatapos sumuko ng Japan, nabuo ang United Nations na inilathala ang UDHR o Universal Declaration of Human Rights. Ito ang nagarantiya ng karapatan ng bawat tao sa mundo at kabilang na dito ang karapatan sa kapayapaan at karapatang mamuhay nang maayos. Ang panukalang ito ay naging daan upang mabuo ang iba pang samahan tulad ng ASEAN at UNESCO na hanggang ngayon ay namamasiwa sa mga relasyon sa pagitan ng mga bansa sa Asya at sa buong mundo.