Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Pagpapasiya
Ang pagpapasiya natin sa buhay ay nakadepende sa ating sarili. Nasa atin kung tatahak ba tayo sa mabuti o masamang landas. Kaya mahalaga na matuto tayong magpasiya para magdulot ito ng magandang epekto sa atin at maging sa mga taong nakapaligid sa atin. Kung magpapasiya tayo, pag-isipan ito at iwasan ang pagiging padalus-dalos.
Ano nga ba ang kahalagahan ng pagbuo natin ng mabuting pasiya sa ating buhay:
Kung tayo ay bubuo ng mabuting pasiya, ito ay magdudulot ng kapakinabangan sa sarili natin. Tutulong ito na maging matagumpay ang gagawin natin dahil naaayon ito sa nasa isip natin. Gayundin, ang mabuting pasiya ay nakakaapekto rin sa kapuwa natin lalo na kung sangkot sila dito. At natututo tayo na mag-isip muna at makagaya ng matatalinong mga desisyon sa buhay natin. Magiging handa rin tayo sa susunod na mga sitwasyon kung sakali na kailangan ulit natin magpasiya.
Ang maaaring mangyari kung ang isang kabataan na katulad ko ay hindi agad matutuhan ang pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya:
Ang posibleng mangyari ay mapahamak dahil ito muna napag-iisipan mabuti at nagpapadala sa sariling emosyon. Isa pa, baka hindi na siya humingi ng tulong sa iba at magtiwala na kaya niya magdesisyon sa sarili niya. Makakapagdesisyon ng mali dahil ito ang alam na tamang gawin sapagkat wala akong unawa sa pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya.
Sa paanong paraan makakatulong ang pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya sa pagtatamo ng na ninanais sa hinaharap:
Tutulong ito sa akin na makaiwas at mapagtagumapayan ang mga maaaring problema at suliranin na mapaharap sa akin. Matututo tayo sa buhay at mas uunahin natin na mag-isip muna at hindi magpadala sa emosyon ko. Maiiwasan ko rin maging padalus-dalos lalo na sa mga gipit na mga sitwasyon. Makakatulong rin ito sa pagtahak natin sa ating pangarap para makamtan natin ang mga ito sa pamamagitan ng mabuting pagpapasiya. Kung wala tayo nito, posibleng hindi magiging makabuluhan ang buhay natin at hindi matatamo ang mga tunguhin.
Tandaan ang mga ito sa buhay mo:
Gumawa at matuto tayong magpasiya ng maayos. Tiyak na magdudulot ito ng kabutihan sa buhay natin at mahuhubog tayo sa tama. Kaya habang kabataan palang ay sanayin na ang sarili na magdesisyon sa nararapat at huwag maging padalus-dalos dito. Gawin ang buong makakaya natin sa bagay na ito para magdulot ng magandang epekto sa buhay natin at makamtan ang mga ninanais natin.
Kung may pagnanais kang makapagbasa, bisitahin mo ang mga links na ito na nasa ibaba:
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya: brainly.ph/question/2107202
Ang kahalagahan ng mabuting pagpapasiya sa uri ng buhay natin: brainly.ph/question/2118662
#BrainlyEveryday
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.