IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

Takbo! Dali! Takbo! maikling kwento


Sagot :

Answer:

Takbo, bilis, takbo!”

“Pa, nakita niyo ba yung cattleya*?”

“Ay! Sori anak, nagamit ko na ata. Bilisan mo na!”

Naghinto muna si Dan sa paghanap, napakunot ang kilay at pumasok sa kanyang silid. Sinuot niya ang sapatos na tila’y gutay-gutay na at tuluyang naglakad palabas ng kanilang bahay. Naglakad si Dan hanggang kanto at doon siya naghintay ng masasakyan.

Tumingin siya sa kanyang relos at napansin na 7:25 ang nakalagay.

Pumunta si Dan sa isang paalis na dyip at sumabit sa likod dahil sa kapunuan nito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Honey, diba maaga yung klase mo today? Bilisan mo na at ihahatid ka na ni Manong driver!”

“Yes ma!”

Tumigil na muna si Billy sa paglalaro sa iPad at bumangon mula sa kama. Pinatay niya ang aircon sa kwarto at saka naglakad patunong garahe. Binati siya ng isang magandang umaga ng drayber ngunit hindi niya nabalikan dahil sa nakasabit nang mga headphones sa kanyang ulo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Sige po, papunta na po ako diyan.”

Agad-agad lumabas si Dan ng paaralan patungong isang pampublikong ospital sa Maynila. Nagbabasa lamang siya nang makatanggap ng tawag mula sa itay tungkol sa kalagayan ni inay. Napatulala si Dan ng kaunti at habang nakasaka’y gumawa ng maikling dasal.

“Tulungan niyo po kami.”

*Isang tatak ng kwaderno

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Ano nang mangyayari?”

Labis na naguluhan si Billy sa sitwasyong naranasan niya nang makauwi. Tinanong niya ito sa parehong magulang na ngayo’y hindi ngumingiti. Napansin

Explanation: