IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Bayaning Nag-alsa Laban Sa Mga Espanyol
Marami sa ating mga ninuno ang tumutol sa pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Ang paghihirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang naging dahilan ng pag-aalsa. Sa katunayan mahigit 100 pag-aalsa ang naganap sa loob ng pananakop ng mga Espanyol. Narito ang ilang bayaning nag-alsa:
- Diego Silang
- Hermano Pule
- Francisco Dagohoy
- Francisco Maniago
- Juan Sumuroy
Pag-aalsa Ng Mga Bayaning Pilipino
Ang salitang pag-aalsa ay tumutukoy sa pagtutol sa mga patakarang ipinatutupad. Ito ay isang rebelyon. Marami ang naghangad ng kalayaan ng bansa at hindi pumayag magpaalipin sa mga Espanyol kaya naman nagpatuloy ang pag-aalsa. Narito ang mga nagawa ng mga bayaning nag-alsa upang mas maunawaan ang kanilang pakikipaglaban sa Espanyol:
- Diego Silang - Siya ay kinulong ng mga Espanyol dahil sa kanyang petisyon na alisin ang pagpataw ng buwis sa mga Pilipino. Nakipag-ugnayan siya sa mga Ingles upang makayanan ang pakikipaglaban sa Espanyol at nagtatag ng sariling pamahalaan sa Vigan. Namatay siya noong Mayo 28, 1763.
- Hermano Pule - Ang kanyang totoong pangalan ay Apolinario de la Cruz. Siya ang namuno sa rebelyong panrelihiyon ng mga Tagalog. Pangarap niyang maging mahal na banal na misyonero ng Diyos at pumasok sa isang orden ngunit hindi siya tinanggap dahil isa siyang Pilipino. Nagtatag siya ng samahan ngunit ito'y pinagbawal ng simbahan. Tinugis siya at pinugutan ng ulo sa bayan ng Tayabas. Ang kanyang pugot na ulo ay tinusok sa poste upang maging babala sa mga tao.
- Francisco Dagohoy - Siya ang unang bayaning nag-alsa at siya rin ang may pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan. Siya ay nag-alsa nang hindi pumayag ang pari na bigyan ng Katolikong libing ang kanyang kapatid.
- Francisco Maniago - Pinamunuan niya ang rebelyong Kapampangan laban sa sapilitang pagtatrabaho. Hinarangan nila ang mga ilog upang hindi makapagdala ng pagkain sa mga Espanyol at magutom ang mga ito. Nagkaroon ng pagkakasundo si Maniago sa gobernador heneral ng Espanyol kaya natigil ang kanilang pag-aalsa. Binigyan sila ng malaking halaga at hinayaang gumawa sa kanilang bukid.
- Juan Sumuroy - Pinamunuan naman niya ang rebelyong Samar. Ito ay pagtutol sa kautusan na magpunta sa Cavite ang mga Bisaya upang gumawa ng mga barko.
Paraan ng Pananakop ng mga Espanyol:
https://brainly.ph/question/468880
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.