IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
Answer:
Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay tumutukoy sa kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1946 hanggang Setyembre 21, 1972. Ito ay ang pinakamatagal na republika sa kasulukuyan, na tumagal ng 26 na taon, tagal na hindi pa narating ng kasalukuyang republika – ang ikalimang republika na 20 taon pa lamang ngayon. Nagsimula ito sa isang masayang seremonya sa Luneta at natapos sa isang malungkot na pangyayari, na ang patagong pagdedeklara ng Batas Militar. Sa lahat ng naging republika noon, ito lamang ay masasabing malaya sapagkat ito ay opisyal na kinilala ng maraming bansa. Bagamat ang unang republika ni Emilio Aguinaldo ay masasabing malaya sa ibang aspeto, ito'y hindi kinilala ng ibang bansa at gaya na rin ng kay Jose P. Laurel (ang ikalawang republika) na binuo at kinilala lamang ng alyansang Axis (Hapon, Alemanya, at Italy) habang hindi kinilala ng mga ibang bansa.
Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay batay sa Saligang Batas ng 1935 (isinulat noong 1934) at pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas (1935–1946). Ito'y inspirasyon ng mapanlinlang na "benevolent assimilation" na patakaran ng Amerika bilang transisyon ng Pilipinas mula direktang kolonya patungong kasarinlan. Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas ng 1935 para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan at nirebisa ito noong 1940 para bigyang-daan ang kongresong may dalawang kapulungan: Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan (Kamara de Representantes) at para baguhin din ang termino ng pangulo.
Explanation:
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.