Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Pagsasagawa ng Gawain sa Tamang Hakbang
Ang pagkilos natin kasuwato ng mga tamang pamamaraan o hakbang ay makakatulong sa sarili natin na maisagawa ito ng maayos. Mahalaga na sundin natin itong mabuti para mapakinabangan natin ito ng husto. Kailangan na isaisip natin mabuti ang mga hakbangin para hindi tayo magkamali.
Gawain: Hakbang sa Paliligo
Mga hakbang upang maisagawa sa tamang paraan:
Una: Maaari mo ng basain ang iyong buong katawan gamit ang malinis na tubig sa banyo.
Ikalawa: Kumuha ng shampoo at ilagay ito sa iyong buhok at hayaan mo itong pabulain.
Ikatlo: Imasahe ang ulo para malagyan ng shampoo ang lahat ng buhok mo pati ang iyong anit.
Ikaapat: Banlawan ang sarili gamit ang tubig.
Ikalima: Pagkatapos, maaaring gumamit ng conditioner para maging malambot ang ating buhok. Maglagay lamang sa katamtaman at ilagay mo na ito sa iyong buhok, lalo na sa dulong bahagi para sa mga babae.
Ikaanim: Maaaring maghintay ng ilang minute bago banlawan ang buhok na may conditioner.
Ikapito: Habang naghihintay, maaari ka ng magsabon sa iyong buong katawan.
Ikawalo: At kapag tapos na, magbanlaw ka na gamit ang malinis na tubig.
Ikasiyam: Pagkatapos mo magbanlaw ng iyong buong katawan, maaari ka ng magpatuyo gamit ang malinis na tuwalya.
Ikasampu: Magbihis na ng malinis at bagong damit. At dito na nagtatapos ang hakbang para sa paliligo.
Tandaan:
Iba-iba ang pamamaraan natin kung paano tayo maligo sa araw-araw. Ito ay nakadepende na lamang sa indibiduwal. Halimbawa lang na hakbang ang binanggit sa itaas para magkaroon ng kaalaman ang iba.
Kung naisin mo pa makapagbasa, tingnan pa ito:
Hakbang tungkol sa paglalaba ng damit na panloob: brainly.ph/question/5960654
#SPJ2
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.