Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
Answer:
Mga Tungkulin o Pananagutan ng Mamamayang Pilipino
Pagbabayad ng Tamang Buwis - Ang buwis ay ang tawag sa halagang ibinabayad ng isang mamamayang mayroong hanap-buhay at ari-arian sa gobyerno ng bansa upang magsilbing pondo na makakatulong sa pagpapaunlad pa ng bansa.
Pagtulong sa Nangangailangan - Tungkulin ng isang mamamayan na tumulong sa kapwa nito mamamayan sa kung ano mang paraan ang maaari nitong maitulong.
Paggalang sa Karapatan ng Bawat Isa - Ang bawat mamamayan ay mayroong pantay-pantay na karapatan upang walang makalamang at maabuso.
Maayos na Paggamit ng mga Pampublikong Lugar at Kagamitan - Katungkulan ng bawat mamamayan na pangalagaan ang mga pampublikong kagamitan at nararapat rin panatiliin ang kalinisan ng paligid. Ang lahat ay binigyan ng karapatang gamitin ang mga pampublikong kagamitan ng walang kapalit o kabayaran subalit nararapat lamang na ito ay pangalagaan natin.
Matapat na Paglilingkod - Magandang kaugalian ang pagsunod sa mga alintuntunan ng mga industriya o opisinang pinapasukan. Katulad na lamang ng pagsunod sa tamang oras na itinakda upang pumasok.
Makatarungang Paggamit ng Karapatan - Ang bawat karapatan ay hindi dapat abusuhin.
Pangagalaga sa Kalikasan - Ang ating kapaligiran ay dapat pangalagaan sapagkat ito ay pahiram lamang sa atin ng Diyos. Kung hindi pangagalagaan ang kalikasan, tayo rin ang magdurusa sa kahihinatnan ng ating kapaligiran.
Paggalang Sa Batas - Ang mga batas ay mahigpit na ipinatutupad upang mailagay sa kaayusan ang isang lipunan. Binigyan ng karapatan ang mga namamahala na magpataw ng karampatang kaparusahan sa kung sino man ang lumabag sa ipinatupad na batas. Ang batas ay dapat sundin ng bawat mamamayan at hindi alinsunod sa estado nito sa buhay.
Pagpapaunlad sa Sarili - Tanging ang ating sarili lamang ang dapat asahan kung nais makakamit ng tagumpay, huwag itong iasa sa pamahalaan o gobyerno.
Matapat at Matalinong Pagpili ng Mamumuno - Nararapat lamang suriin ng bawat mamamayan ang mga kumakandidatong nagnanais maging parte ng pamahalaan sapagkat dito nakasalalay ang magiging pagunlad o pag-angat ng isang lipunan.
Explanation:
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.