Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

Limang paraan para makatulong sa pag unlad ng bansa​

Sagot :

Answer:

pag tulong

pagilinis

sama samang pag tulong

paggalang

pagmamahal sa bayan

1. Sumunod sa batas trapiko. Sumunod sa batas. Ayon kay Lacson ang pagsunod sa traffic rules ang pinakasimple sa mga batas.  we learn to follow them, it could be the lowest form of national discipline we can develop, sabi ni Lacson sa kanyang libro. Tama nga naman. Siguro kung lahat ng mga Filipino ay sumusunod sa batas mas mababawasan ang aksidente sa lansangan at hindi na tayo maka-kabasa ng mga babala katulad ng Bawal tumawid nakamamatay.

2. Humingi ng opisyal na resibo. Sa lahat ng binibili natin o serbisyong binabayaran kasama na doon ang ipinapataw na 12% para sa  value added tax o VAT. Ayon kay Lacson, kung hindi tayo hihingi ng opisyal na resibo madadagdag lang yon sa kita o tubo ng negosyante na hindi naman nagbabayad ng tamang buwis.

3. Huwag bumili ng smuggled goods. Buy local. Buy Filipino. Buma­baha ang mga murang laruan, damit, at kung anu-ano pang produkto sa bansa na kalimitan ay galing sa China dahil maraming mga Filipino ang tumatangkilik sa mga ito. Bakit nga ba namatay ang industriya ng sapatos sa Marikina? Dahil sa pagdagsa ng mga murang sapatos sa Divisoria. Ayon kay Lacson marami na ring mga dayuhan ang nakakapuna sa ugali ng mga Filipino na ang tingin sa mga imported na bagay ay mas mahusay kaysa sa gawang Pinoy. Ayon pa kay Lacson kapag bumibili tayo ng imported na bagay sa isang department store halos 50% ng ating ibinayad ay napupunta sa labas ng bansa.

4. Kapag nakipag-usap ka sa iba lalo na sa dayuhan magsalita ka ng positibo tungkol sa ating lahi at sa ating bansa. Napuna ni Lacson sa paglilibot niya sa maraming lugar sa Pilipinas na tayo mismong mga Filipino ang nagbababa sa ating sarili.  We should stop telling horror stories about ourselves to foreigners, including to business associates, friends and relatives abroad, sabi ni Lacson. Maari nating ipagmalaki ang ating  kapwa Filipino na nakagawa ng mga hindi ordinaryong bagay. Inihalimbawa niya ang taxi driver sa New York City na si Nestor Sulpico. Noong Hulyo 17,2004 bumiyahe ito ng 43 miles mula New York City patungong Connecticut para isoli ang US$80,000 halaga ng black pearl na naiwan ng kanyang pasahero sa kanyang taxi. Tumanggi din umano si Sulpico na tumanggap ng reward. Sabi pa ni Lacson libre naman at walang mawawala sa atin kung ipagmamalaki natin ang ating lahi at bansa. Dapat na daw nating isantabi na natin ang mga salitang T*nga! B*bo! Tamad!

5. Igalang mo ang iyong traffic officer, pulis, sundalo at iba pang public servants. Ayon kay Lacson, sa Psychology, ang respeto ay isa sa ˜basic need ng bawat tao. Lahat ng tao ay nagnanais na irespeto sila at kilalanin. Lahat ng tao ay nagnanais na sila ay pahalagahan.  Naniniwala si Lacson na kung magbibigay galang tayo sa ating mga sundalo, pulisya at opisyal ng trapiko ibabalik  nila ang paggalang na ito sa ating mga mamamayan.There is a universal principle on this “ You always reap what you sow, sabi ni Lacson.

hope it helps :>

correct  me if  im wrong-

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.