Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Paraan ng pangangalaga sa kapaligirang iyong
ginagalawan.​


Sagot :

Answer:

Ang Pangangalaga sa kapaligiran ay isang ehemplo kung paano malalaman na ang isang tao ay responsible sa kanyang bansa o lugar na kinatatayuan natin. Bakit pa nga ba natin kailangan na pangalagaan ang ating kapaligiran, may mapapala ba tayo dito? Yan ang malalaman niyo dito kung babasahin niyo ito

Ang Kapaligiran ay likha ng Poong Maykapal para sa bawat nilalalng dito sa mundong ibabaw.Ang mga bagay na makikita natin sa ating kapaligiran ay nagbibigay saya at buhay. Bilang isang mag-aaral tungkulin ko na mapangalagaan ang kapaligiran .Maraming paraan para mapangalagaan ang kapaligiran . Ang ating kapaligiran ay mapangalagan sa pamamagitan ng pagwawalis araw-araw. Pagtapon ng basura sa tamang basurahan. Mahalagang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran dahil dito nakasalalay ang ating kalusugan. Isa sa pinaka-mahalagang paraan upang maibsan ang klima ay ang hindi pagsunog ng plastik at hindi paggamit ng nakasasamang bagay sa ating kapaligiran. Madaling sabihin ang paglilinis pero mahirap itong gawin pero kung iisipin natin na para sa kabutihan nating lahat ito. Ang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran ay isang mahalagang bagay dahil dito natin masasabing umunlad ang ating lugar. At masasabing ang kalinisan ng ating lugar ay katulad ng kalinisan ng ating kalooban.

Ang lahat ng ating pagsisikap ay magkakaroon ng katuturan kung ito ay ating isasapuso. Pagsisikap at determinasyon ang kailangan natin lahat upang magkaroon ng katuparan ang lahat .Panininwala sa sarili at sa Diyos ay walang imposible. Paano natin makakaya na linisin ang kapaligiran kung mismong tayo na ang nagkakalat dito? Kahit sa pagiging mag-aaral kaya nating protektahan o linisin ang kapaligiran kahit sa mga simpleng bagay o paraan. Nilikha rin ito ng Panginoon upang alagaan at pakisamahan ito.

Bilang isang mag-aaral, makakatulong ako sa pangangalaga ng likas na yaman sa pamamagitan ng pagiwas sa pamumutol ng puno, paggamit ng dinamita sa isda at pagtatanim sa mga bakanteng lupa

Dapat din na magtanim tayo sa mga palayan upang hindi masayang ang mga taniman. Magsikap at magtulungan sa paglinis at pagalaga ng kapaligiran. Iwasan ang pagtapon ng basura sa ilog upang di magkaron ng polusyon sa ating bansa.

sana makatulong po