IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Mababasa sa kabanatang ito kung paano nabulag ang mga tao sa mga maling paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa mula sa Purgatoryo.
Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kayang inalay. Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang mga hermana at hermano mayor na naghihintay sa kanya upang siya ay kausapin. Bagkus ay dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang sutana at tumuloy sa kanyang silid.
Hindi na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng pari. Karamihan sa mga ito ay mga matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa nalalapit na kapistahan. Sa gitna ng palitan ng kanilang mga kuro-kuro ay napag-usapan nila ang tungkol sa usapin ng indulhensiya.
Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulhensiya ang siyang maliligtas ang kaluluwa papunta sa Purgatoryo. Nagmayabang ang bawat isa tungkol sa dami ng kanilang mga naipon para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating si Sisa, ang ina ng magkapatid na Crispin at Basilio. Siya ay sumadya sa simbahan upang tanungin si Padre Salvi tunkol sa anak na si Crispin na nagsisilbing sakristan ng pari.
"Ang kaligtasan ng bawat kaluluwa kailanman ay walang katapat na halaga. Hindi ito nabibili. Tanging kabutihan ng loob ang susi para sa tunay na kaligtasan"
--Zhaki69--
#Carryonlearning
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.